Rantinella

Simple lang ‘to e, kung ayaw mo ‘wag mo!

Kung ayaw sa’yo ng ibang tao, pabayaan mo sila!

At bakit mo kailangang i-broadcast  sa sambayanan ang sama ng loob mo? Sabi nga ni Jessica Zafra, and I’ll take my liberty to paraphrase here, wala akong karapatang ipaalam sa iba ang problema ko dahil hindi ko din naman alam kung may problema silang mas mabigat kaysa sa iyo.

Wala kang pera, and so are the vast majority of Filipinos. Wala kang gamit, madami ding taong may ganyang problema, alalahanin mo, SOME HAVE IT WORSE THAN OTHERS!

At kung ayaw ka ng kaibigan ng mga tao, edi pabayaan mo sila, may magagawa ka ba? WALA!

Isa pa, hindi naiinis ang mga tao sa’yo dahil hingi ka ng hingi ng pabor, hindi yun ang rason, believe me, meron pang iba at yun ang isipin mo kung ano.

Alam mo mahal kita bilang kapatid kaya ko sinasabi ‘to, i-reassess mo ang sarili mo mayroon ng mali sa’yo at hindi lang isa o dalawang tao ang nakakapansin nun. Marami na.

Atsaka nga pala kung may bago kang blog, sarilinin mo na lang pakiusap, para kang namamalimos ng reader pag pinopost mo sa wall yung link sa bago mong post, it’s almost pathetic.

Advertisement

~ by Immanuel Pastolero on April 7, 2011.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.