Uumpisahan ko ang post na ito ng nakahiga sa banig kong may kutson (cushion, hindi ako sure sa tagalog spelling e) habang nagiisip ako kung paano ko ba maiintensify ang lasa ng garlic sa garlic bread.
Naisip ko din kung paano nga ba masusulusyunan ang buwan buwan naming problema sa pagbaha. Tuwing mag hahigh tide kasi dito sa amin e pang nagkakaroon kami ng mabaho at malansang swimming pool sa labas ng gate. Well, in fairness, parang kami lang naman ang nabwibwisit sa baha dahil yung mga tao naman sa labas e mukhang enjoy na enjoy sa brown and creamy na baha. Sabi nga ni Coco Martin: “Yummy!”
***
Kahapon nagbasa ako ng twitter feed ng isang taong itago na pang natin sa pangalang Maria, sabi niya masakit daw sa bangs si James Soriano yung estudyante ng ADMU na nagsulat ng opinion piece para sa Manila Bulletin tungkol sa wikang Filipino at ang kakulangan nito bilang lenggwahe ng pagkatuto.
Una sa lahat, kung hindi niyo pa nababasa e basahin niyo muna hindi na ako magbibigay ng hotlink kasi may google search naman. Pangalawa, paano ba sumasakit ang bangs? Humahapdi ba? Kumikirot? Humihilab? Kasi ako may bangs, kaya nga lang maikli, pero kahit minsan hindi pa naman siya sumasakit. Baka naman kasi may cancer of the bangs si Maria. Pangatlo, lahat ng sinabi ni G. SLoriano ay tama, maaring ‘masakit sa bangs’ ngunit hindi pwedeng ipagkaila na may punto siya. Ang magkaila TANGA.
Sa kaso ko lang, mula maliit ako kinakausap man ako ng mga magulang ko sa Filipino, puro naman Ingles na palabas ang pinapanood namin, Ingles na mga kanta ang pinakikinggan namin at Ingles na pahayagan ang binabasa namin. Nahasa ako sa pag intindi ng wikang banyaga. Hindi lumaon ito na ang pangunahing paraan ko sa pag iisip, naging natural na rin sa akin ang pagsasama ng ilang salitang Ingles sa mga kaswal na usapan. I have been writing in the language for the longest time. It is as natural for me as my mother tongue. I am more comfortable with it and that’s nothing to be ashamed of. Naniniwala ako na isa ito sa mga pagpapala ng edukasyong pampribado ko, mula sa unang araw ko sa eskwelahan hanggang ngayong magtatapos na ako sa kolehiyo iginapang ng mga magulang ko na maipasok kaming magkapatid sa mga pribadong paaralan.
Its not that I’m saying there’s anything wrong in the public education system, what I’m saying is that my parent believed I in the capacity of private schools more. Hindi ko din sinasabi na minamaliit ko ang mga pampublikong paaralan, dahil alam ko na maraming matagumpay na taong nanggaling na rito, ngunit mas nakita ng mga magulang ko na mas lalago ako bilang tao sa isang pribadong paaralan, palagay ko nama’y ‘di sila nagkamali ng hinuha.
Malaki ang naging ambag sa pagkahubog ko ngayon ang pampribadong edukaston ko. Malaki ding dahilan ito kaya sabay na nalinang ang kabihasaan ko sa wikang Filipino at Ingles.
Hindi ko kailanman na ang kaalaman ko sa paggamit ng wikang Filipino at lalong lalong hindi ko ikahihiya ang ang kaalaman ko sa Ingles. Dahil hindi sukatan ang kagalingan o kahinaan sa mga lenggwaheng ito ng pagiging mabuting Pilipino. Lalong hindi ito isang panimbang sa pag ibig ng isang tao sa Inang Bayan. Sapagkat ang tunay na Pilipino’y hindi nasusukat sa mga salitang namumutawi sa kanyang bibig ngunit sa mga gawa na iniaalay niya sa ating dakilang bayan.
***
Pagpasensyahan niyo na ang karondaman ng post na ito.
Siya nga pala gusto ko lang sabihing kudos Lady GaGa, kung akala nila mapapantayan ka nila, nagkakamali sila. There is only one Mother Monster.

